Wednesday, December 5, 2012

Ika-108 taong pagkakatatag, ipinagdiriwang ng BulSU




MALOLOS—Tampok ang ibat-ibang gawain na sa isang linggong pagdiriwang ng ika-108 taong pagkakatatag ng Bulacan State University (BulSU) na nagsimula sa Lunes, Disyembre 3.

Ito ay may temang “Pagpapalaganap ng Galing at Karunungan.”

Ayon kay Dr. Antonio Del Rosario, vice-president for academic affairs, tagapangulo ng executive committee para sa pagdiriwang, kabilang sa mga tampok na gawain ay ang paglulunsad ng libro, pagpapasinaya sa bagong pasilidad, mga talakayan, at mga tunggaliang pang kalinangan at pampalakasan.

“It will be an austere celebration but it will mirror accomplishments the university has achieved in past 108 years,” ani Del Rosario.

Inayunan din ito ni Dr. Danilo Hilario, ang Vice President for planning, research and external affairs.

Sinabi niya na sa pamamagitan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan na nakabase sa BulSU, inilunsad ang isang libro hinggil sa mga katutubong Dumagat.
Ito ay may pamagat na “Mahabe Pagotan:  Kasaysayan, Kalinangan at  Lipunan ng mga Dumagat sa bahaging Bulacan ng Sierra Madre” at sinulat ng misyonerong si

Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Environmental Society.

 Bukod dito, sinabi ni Hilario na pasisinayaan ang regional laboratory ng Hitachi Corporation Philippines  sa loob ng bakuran ng BulSU.

Ang BulSU an gang itinuturing may pinakamalaking pamantasan sa Gitnang Luzon kung ang bilang ng mag-aaral ang pagbabatayan.

 Sa kasalukuyang, may 32,000 mag-aaral sa BulSU na may pangunahing campus sa lungsod na ito bukod pa sa mga satellite campus sa mga Lungsod ng San Jose Del Monte at mga bayan ng Bustos, Bulakan at Hagonoy.

Ang BulSU ay nagsimula noong 1904 sa bisa ng Act 174 ng Philippine Commission noong 1901 na nag-atas ng pagtatayo ng mga paaralan sa mga pangunahing bayan sa bansa noon at kilalamin ang mga nakatatag ng mga paaralan.

Bilang isang intermediate school, naging Bulacan Trade School noong 1909 ang BulSU kung saan ang mga guro ay kabilang sa grupo ng mga Amerikanong guro na tinawag na Thomasites.

Di nagtagal ay napalitan ng mga Pilipino ang namumuno sa noo’y BTS at noong 1920s, ang mga intermediate course ay pinalitan ng mga secondary courses.

Ayon kay Hilario,sa pagdaan ng panahon umunlad ang mga kurso sa BTS hanggang magdagdaga ng mga vocational courses.

 Ito ay higit pang umunlad matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa pamamagitan ng mga lehislasyon, ang BTS ay naging Bulacan National Trade School (BNTS) noong 1953, Bulacan National School of Arts and Trades (BNSAT) noong 1957, at Bulacan School of Arts and Trades (BSAT) noong 1960.

Ito ay nasundan ng pagsismula ng pagtuturo ng dalawang taong kurso para sa automotive, at machine shop.

Noong 1965, ang BSAT at naging kolehiyo at tinawag na Bulacan College of Arts and Trades (BCAT).  Ito ay nagbigay daan sa pagpapalawak ng mga kurso at pagsisimula ng apat na taong kurso tulad ng Bachelor of Science in Industrial Education.

Hindi nagtagal, sinimulan ang mga kurso para sa mga inhinyero, guro at maging mga masteral courses sa ilalim ng Graduate education programs.

Noong 1993, sa bisa ang Republic Act 7665, ang BCAT ay naging isang pamantasan at tinawag na Bulacan State University (BULSU).   (Dino Balabo)