Wednesday, March 21, 2012
DLSU students
Mass Communications students visited Bulacan on March 31 and joined the press conference organized by the Diocese of Malolos at the diocesan pastoral center.
Monday, March 19, 2012
NYC to Philip Morris: Education Alone Will Not Curb Youth Smoking
Higher cost of cigarettes is the immediate deterrent. “Kapag
mahal, ang sigarilyo, mas mapipigilan sa pagyoyosi ang kabataang Pilipino.”
This was stressed by the National Youth Commission (NYC)
today in reaction to the claims of Chita Herce, spokesperson of Philip Morris
Fortune Tobacco Corporation Inc. (PMFTC), the top tobacco manufacturer in the
country, that education and not additional taxes will prevent young people from
smoking.
Education is vital in curbing youth smoking but it must be
reinforced by mechanisms that will make
tobacco inaccessible, NYC Chairperson Leon Flores said. For the past years, the
dangers of tobacco smoking have been taught in schools and have been part of wellness
campaigns. However, the percentage of youth smokers continues to increase
despite the education drive as well as the advertisement ban on tobacco
products.
According to the 2007 Global Youth Tobacco Survey (GYTS),
69.6% young people had been taught in class during the past year about the
dangers of smoking. Moreover, 69.3% had
been taught in class the effects of tobacco use. These numbers did not have any
effect in decreasing smoking prevalence among the youth. In 2011, already 2 out
of 5 teens aged 13-15 smoked.
The Philippines
has some of the cheapest cigarettes in Asia
and one of the cheapest cigarettes in the world. Parallel to these data are the
alarming smoking rates in the country: The Philippines ranks 9th in the adult
male population and 16th in the adult female smoking population in the world.
NYC Commissioner Perci CendaƱa said that raising taxes right
now is the most viable option to decrease the number of young smokers. “Kapag
nagtaas ng presyo ang sigarilyo, maraming kabataan ang hindi na maninigarilyo.”
The recent study by the University of the Philippines Communication Research
Society with the support of Health Justice supports this claim. According to
it, that 60% of the sample population will quit smoking if cigarettes will be priced
at 5 pesos per stick.
NYC as the voice and advocate of the youth calls on the
immediate passage of House Bill 5727 that will restructure the excise tax on
tobacco and alcohol. The Commission firmly stands that we must maximize all
means to protect the health and wellness of our nation’s youth. (NYC Press Release)
Thursday, March 15, 2012
1st Class
BulSU BA Journalism 1st Batch
Friday, March 9, 2012
BulSU stude wins Best Screenplay in 8th Art Film Fest
Wednesday, March 7, 2012
Mga mag-aaral ng DYCI kakatawanin ang bansa sa World Lego League
BOCAUE, Bulacan—Kakatawanin ng 10 mag-aaral sa high school sa bayang ito ang bansa sa Foundation for Inspiration and Recognition of Science and Technology (FIRST) Lego League Food Factor World Festival na isasagawa sa Estados Unidos sa Abril.
Ito matapos
silang magkampiyon sa katatapos na FIRST Lego League (FLL) Philippines na
isinagawa sa Quezon City Interactive Science Center noong Sabado, Pebrero 25
kung saan ay tinalo nila ang 150 mag-aaral mula sa 15 kalahok na paaralan na
nagmula sa ibat-ibang panig ng bansa.
Ang 10
mag-aaral ay nagmula sa Dr.
Yanga Colleges Inc., (DYCI) High School sa Brgy. Wakas sa bayang ito, at
tinawag na “DYCI Blue Ocean 10.”
Sila ay sina Trisha
Carmela Santos, Gladys Leigh Malana,
Dave Adrian Bien, Keight Dela Cruz, Lady Alein Goleng, Tim Fabillon, Ramikurt
Del Prado, Jules Martin Agsaoay, Jonathan Alejandro, at Michelle Alcanar.
Ang DYCI ay
ang paaralang pinagmulan ng mga high school students na nagkampiyon sa 2010
World Robot Olympiad (WRO), na humakot din ng parangal, kabilang ang ika-apat
na karangalan sa katulad na paligsahan noong nakaraang taon.
“Hindi namin
inaasahan ito. We never though our team will make it to the FLL World Championships,”
ani Michael Yanga, ang director at punong guro ng DYCI High School.
Ayon kay
Yanga, ang pagwawagi sa kauna-unahang paligasahan ng FLL Philippines ay isang
malaking karangalan para sa DYCI dahil sa ito ang maghahatid sa kanila sa FLL Food Factor World Festival na isasagawa sa
America’s Center and Edward Jones Dome Convention Plaza sa St. Louis, Missouri sa Estados Unidos.
Ang nasabing
paligsahan ay lalahukan ng mga mag-aaral mula sa 60 bansa mula Abril 25 hanggang
28.
“I’m very
proud of our students who have shown that we are really globally competitive
and Bulakenyos are truly prime movers of technology,” ani Yanga.
Ang DYCI Blue
Ocean 10 ay namayani sa FLL Philippines dahil sa kanilamng imbensyong Meat’s
Anti-Germ Inspection Solution (Magis) v.2.0, isang makina na may kakayahang
tulungan ang tao na makaiwas sa kontaminadong pagkain.
Ayon kay Beryl
Cruz, punong tagapagsanay ng DYCI Blue Ocean 10, ang Magis v.2.0, ay nilikha ng
mga mag-aaral sa loob ng dalawang buwan, at may kakayahan din itong matukoy ang
“botyang karne.”
Si Cruz din
ang punong tagapagsanay ng DYCI Robotics team na nagkampiyon sa WRO na
isinagawa sa SM Convention Center noong Nobyembre 2010; at puman-apat naman sa WRO na isinagawa sa
United Arab Emirates (UAE) noong nakaraang Nobyembre.
Bilang punong
tagapagsanay ng DYCI
Blue Ocean,
sinabi ni Cruz na mas mahirap ang paligsahan sa FLL kumpara sa WRO.
Ito ay dahil
sa ang paligsahan sa FLL ay tumutukoy sa mga solusyon sa mga problemang
hinaharap ng mundo ngayon, katulad ng pamamayagpag ng “karneng botcha” sa
lalawigan ng Bulacan sa nagdaang dalawang taon.
Sa taong ito,
sinabi ni Cruz na ang mga kalahok sa FLL ay bumuo ng kanilang imbensyon batay
sa temang “Food Factor” na ibinigay ng mga tagapag-oganisa ng paglisahan.
Ang FLL
Philippines au inorganisa ni Mylene Abiva ng First in Educational Learning
Trends Always (FELTA), na itinatag naman noong 1966 ng mag-asawang Felicito at
Teresita Abiva.
Ang FELTA ay
naglalayon na makapaghatid sa mga paaralan ng mga instructional materials na
magagamit sa pagtugon ng hamon ng kasalukuyang panahon.
Bulacan muling naghari sa ika-6 na sunod na taon sa CLRAA
MALOLOS—Muling namayani ang mga
manlalarong Bulakenyo ng iuuwi nila ang ika-anim na sunod ang pangkalahatang
kampeonato sa taunang Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) na
isinagawa sa Zambales noong nakaraang linggo.
Ang tagumpay na ito ay sa
kabila na ang koponan ng Bulacan ay unti-unting nababawasan dahil sa pagbubukas
ng mga bagong city schools divisions sa lalawigan kung saan nalilipat ang ilang
mahuhusay na manlalaro.
Gayunpaman, ibinulgar ni Dr. Edna Zerudo,
division superintendent ng Department of Education sa Bulacan ang lihim ng
pananagumpay ng koponan ng lalawigan.
Ang Bulacan provincial
schools division ay humakot ng kabuuang 499.5 puntos, kasunod ang Pampanga
(358), Olongapo City (247.91 points).
Pumang-apat ang schools
division mula sa Bataan, kasunod ang Tarlac
City, Nueva Ecija, Malolos City,
Tarlac Province,
at Aurora.
Sa lahat ng schools
divisions, sinasabing ang Lungsod ng Angeles ang nagpakita ng malaking
improvement matapos nitong masungsukit ang ikatlong puwesto high school
division.
Ang taunang palaro ay nahahati sa Elementary
at High School Division.
Ayon kay Zerrudo, ang muling
pamamayani ng mga manlalarong Bulakenyo sa taunang palaro ay dahil sa disiplina
ng mga manlalaro at suporta ng mga pamahalaang lokal.
Binigyang pansin din niya na
ang pagigig malapit ng Bulacan sa kalakhang Maynila kung saan ang mga manlalaro
at kanilang mga tagapagsanay ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipagsagupa
para sa mga tune-up games.
Sinabi pa ni Zerrudo na hidi
rin maitatanggi ang pagiging mahusay ng mga manlalarong Bulakenyo na
sinangkapan pa ng suporta ng mga pamahalaang lokal katulad ng kapitolyo.
“Very supportive si Gob. Alvarado, lalo na sa
pagkain ng mga manlalaro at buong delegasyon,” ani Zeruudo at iginiit na sa
pagbubukas ng taunang palaro sa Zambales noong Pebrero19, si Alvarado ay dumalo
rin upang magbigay ng inspirasyon sa mga manlalarong Bulakenyo.
Para naman kay Alvarado, sinabi niya na karangalan ng
lalawigang ang dala ng mga manlalaro sa tuwing makikipagtunggali.
Binigyang pansin din niya na
lubhang mahalaga ang disiplina ng mga manlalaro para sa kabuuang pagkatao
ng mga ito.
“Labis po ang aking kagalakan sa pagkakapanalong muli ng mga atletang
Bulakenyo. Sana poang mga ganitong gawain ay magsilbing matibay na bigkis na
magbubuklod hindi lamang sa mga Bulakenyo kundi maging sa mga kababayan natin
sa Gitnang Luzon,” ani Alvarado sa kanyang opisyal na pahayag matapos ang
palaro na ipinalabas ng Provincial Public Affairs Office (PPAO).
Tiniyak din ni Alvarado ang suporta niya sa mga nagwaging manlalaro na
kakatawan sa Gitnang Luzon sa Palarong Pambnasa na isasagawa sa Lingayen,
Pangasinan sa Mayo.
Ayon naman kay Zerrudo,halos
kalahati ng mga manlalaro ng Gitnang Luzon para sa nalalapit na palarong
pambansa ay magmumula sa Bulacan.
Ito dahil sa ang sinumang
nagwagi sa unang tatlong puwesto sa mga sports events sa katatapos na CLRAA ay
magiging kinatawan ng rehiyon sa Palarong Pambansa.
Subscribe to:
Posts (Atom)