Sunday, May 19, 2013

Dalawang guro ng DepEd kinasuhan ng BulSU


 
MALOLOS—Dalawang public school teacher ang sinampahan ng kasong administratibo ng Bulacan State University (BulSU) dahil sa pangingikil sa mga bagong mag-aaral na nag-eenrol.

Bukod rito, pinag-aaralan na ring pamantasan ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kina Nida Castro alyas “Sweet:” at Zosima Perez, kapwa guro ng Department of Education (DepEd) sa lungsod na ito at sa bayan ng Hagonoy.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng 16 na magulang at estudyante na diumano’y hiningan ng halagang P1,500 hanggang P4,000 bawat isa para sa medical examination at uniporme.

Ayon kay Dr. Mariano De Jesus, pangulo BulSU, ang dalawang guro ay nagsilbing “fixer” sa mga bagong estudyante na nais makapag-aral sa pamantasan.

Ikinalungkot ni De Jesus ang pangingikil ng dalawang guro ng DepEd dahil isa raw sa mga ito ay naging estudyante panila.

“Maling-mali ginawa nila, nagamit pa ang pangalan ko,” sabi ni De Jesus.

Iginiit paniya na sa pagiging fixer ng dalawang guro ay itinuro nito samga kabataang mag-aaral ang maling aral tulad ng palakasan system.

Sinabi niya na nagsimulang maramdaman ang pagkakaroonng mga fixers sa mahabang pila ng mga mag-aaral noong nakaraang taon.

Ayon kay De Jesus, isa sa mga suspek ay madalas magtungo kanyang tanggapan at humihingi ng pabor para makapasok sa pamantasan ang batang mag-aaral.

“Noong una, inakala ko na kamag-anak lang niya, pero maraming beses na maraming inilakad na estudyante kaya naghinala ako,” ani ng pangulo ng pamantasan.

Sa taong ito, nag-atas si De Jesus na ang lahat ng bagong mag-aaral ay sasailalim  sa isang panayam sa kanyang tanggapan.

Sa pagkakataong ito,ilang mag-aaral ang umamin na nagbayad sila sa fixer.

Ayon kay De Jesus, maraming kabataan ngayon ang hindi makapagtiis sa mahabang pila sa enrollment, ngunit ang hindi nila nauunawaan ay bahagi iyon ang pagpapaunawa upang mabigyang halaga hardwork at pagtitiyaga.

Bilang isa sa mga pangunahing pamantasan sa Gitnang Luzon, ang BulSU ay may pinakamalaking populasyon na umaabot sa mahigit 32,000 mag-aaral.

Ito ay nangangahulugan ng mahabang pila,bukod sapagpapatupad ng quota system sa ilang piling kurso.

Ang quota system, ayang pagpili ng pangunahing mag-aaral na nakapasa sa entrance examination sa ilang piling kurso katuladng engineering.

Gayunpaman, hindi lahat ng hindi natanggap sa kurso ay bagsak dahil kahit nakapasa ang mag-aaral sa entrance examinations, maaring hindi pa rin makapasok kung mas maraming mas mataas ang grado sa kanya.  (Dino Balabo)

News Editor ng Mabuhay, 3 pa binigyang pagkilala ng Diyosesis ng Malolos




GUIGUINTO, Bulacan—Dalawang mamamahayag sa Bulacan kabilang ang news editor ng Mabuhay, isang himpilan ng radyo at  isang photographer ang binigyang pagkilala ng Diyosesis ng Malolos noong Sabado, Mayo 11.

Ang mga tumanggap pagkilala mula sa Commission on Social Communications (CSC) ng Diyosesis ng Malolos aya ng Radyo Bulacan, kasama si Cris Arellano,isang photographer mula sa bayan ng Hagonoy at sina Carmela Reyes-Estrope ng Philippine Daily Inquirer at NewsCore, at si Dino Balabo,news editor ng Mabuhay, correspondent ng Philippine Star at Punto Central Luzon at brodkaster sa Radyo Bulacan.

Sina Reyes-Estrope at Balabo ay kapwa part-time instructors sa College of Arts and Letters ng Bulacan State University (BulSU).

Sila ay binigyang pagkilala dahil sa masusing pagtutok sa pagsasagawa ng isang taojng pagdiriwang ng ika-50 Jubileo ng Diyosesis ng Malolos mula noong marso 2012 hanggang nitong nakaraang marso.

Ang pagkilala ay ipinagkaloob ng CSC isang araw bago ipagdiwang ang ika-47 taong World Communications Day noong Linggo, Mayo 12 na may temang “Social Networks: portals of truth and faith; new spaces for evangelization."

Ito ay ipinagkaloob sa  Agatha Hotel na matatagpuan sa Barangay Sta. Rita sa bayang ito kung saan isinagawa ang pulongng ng CSC.

Ayonkay Father Dario Cabral, direktor ng CSC, ang parangal ay isangmaliit na pagkilala sa kontribusyon ng mga mamamahayag sa paghahatid ng balita hinggil sa matagumpay na pagdiriwang ng Jubileo.

“It’s our way of appreciation for the hard works you have done,” ani Cabral.

Binigyang diin din niya na dedekasyong ipinakita ng mga tumanggapng parangal na nagsilbi ring inspirasyon sa CSC.

Kaugnay nito, inihayag ni Cabral ang plano ng CSC na magtayo ng himpilan ng radyo namagsasahimpapawid sa internet bilang bahagi ng pagsasagawa ng bagong ebanghelisasyon na itinatakda ng resulta ng ikalawang sinodo ng Diyosesis.

Sinabi pa niya na may mas makakatipid ang diyosesis kung isang internet radio ang itatayo sa halip na isang regular na himpilan ng radyo.

Bukod rito,plano ring CSC na maglathalang mga aklat,magazine at pagbuong mga documentary na maaaring ipalabas sa mga telebisyon.(Dino Balabo)