MALOLOS—Dalawang
public school teacher ang sinampahan ng kasong administratibo ng Bulacan State
University (BulSU) dahil sa pangingikil sa mga bagong mag-aaral na nag-eenrol.
Bukod
rito, pinag-aaralan na ring pamantasan ang pagsasampa ng kasong kriminal laban
kina Nida Castro alyas “Sweet:” at Zosima Perez, kapwa guro ng Department of
Education (DepEd) sa lungsod na ito at sa bayan ng Hagonoy.
Ang
kaso ay nag-ugat sa reklamo ng 16 na magulang at estudyante na diumano’y
hiningan ng halagang P1,500 hanggang P4,000 bawat isa para sa medical
examination at uniporme.
Ayon
kay Dr. Mariano De Jesus, pangulo BulSU, ang dalawang guro ay nagsilbing
“fixer” sa mga bagong estudyante na nais makapag-aral sa pamantasan.
Ikinalungkot
ni De Jesus ang pangingikil ng dalawang guro ng DepEd dahil isa raw sa mga ito
ay naging estudyante panila.
“Maling-mali
ginawa nila, nagamit pa ang pangalan ko,” sabi ni De Jesus.
Iginiit
paniya na sa pagiging fixer ng dalawang guro ay itinuro nito samga kabataang
mag-aaral ang maling aral tulad ng palakasan system.
Sinabi
niya na nagsimulang maramdaman ang pagkakaroonng mga fixers sa mahabang pila ng
mga mag-aaral noong nakaraang taon.
Ayon
kay De Jesus, isa sa mga suspek ay madalas magtungo kanyang tanggapan at
humihingi ng pabor para makapasok sa pamantasan ang batang mag-aaral.
“Noong
una, inakala ko na kamag-anak lang niya, pero maraming beses na maraming
inilakad na estudyante kaya naghinala ako,” ani ng pangulo ng pamantasan.
Sa
taong ito, nag-atas si De Jesus na ang lahat ng bagong mag-aaral ay
sasailalim sa isang panayam sa kanyang
tanggapan.
Sa
pagkakataong ito,ilang mag-aaral ang umamin na nagbayad sila sa fixer.
Ayon
kay De Jesus, maraming kabataan ngayon ang hindi makapagtiis sa mahabang pila
sa enrollment, ngunit ang hindi nila nauunawaan ay bahagi iyon ang pagpapaunawa
upang mabigyang halaga hardwork at pagtitiyaga.
Bilang
isa sa mga pangunahing pamantasan sa Gitnang Luzon, ang BulSU ay may
pinakamalaking populasyon na umaabot sa mahigit 32,000 mag-aaral.
Ito
ay nangangahulugan ng mahabang pila,bukod sapagpapatupad ng quota system sa
ilang piling kurso.
Ang
quota system, ayang pagpili ng pangunahing mag-aaral na nakapasa sa entrance
examination sa ilang piling kurso katuladng engineering.
Gayunpaman,
hindi lahat ng hindi natanggap sa kurso ay bagsak dahil kahit nakapasa ang
mag-aaral sa entrance examinations, maaring hindi pa rin makapasok kung mas
maraming mas mataas ang grado sa kanya.
(Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment