Sunday, May 19, 2013

News Editor ng Mabuhay, 3 pa binigyang pagkilala ng Diyosesis ng Malolos




GUIGUINTO, Bulacan—Dalawang mamamahayag sa Bulacan kabilang ang news editor ng Mabuhay, isang himpilan ng radyo at  isang photographer ang binigyang pagkilala ng Diyosesis ng Malolos noong Sabado, Mayo 11.

Ang mga tumanggap pagkilala mula sa Commission on Social Communications (CSC) ng Diyosesis ng Malolos aya ng Radyo Bulacan, kasama si Cris Arellano,isang photographer mula sa bayan ng Hagonoy at sina Carmela Reyes-Estrope ng Philippine Daily Inquirer at NewsCore, at si Dino Balabo,news editor ng Mabuhay, correspondent ng Philippine Star at Punto Central Luzon at brodkaster sa Radyo Bulacan.

Sina Reyes-Estrope at Balabo ay kapwa part-time instructors sa College of Arts and Letters ng Bulacan State University (BulSU).

Sila ay binigyang pagkilala dahil sa masusing pagtutok sa pagsasagawa ng isang taojng pagdiriwang ng ika-50 Jubileo ng Diyosesis ng Malolos mula noong marso 2012 hanggang nitong nakaraang marso.

Ang pagkilala ay ipinagkaloob ng CSC isang araw bago ipagdiwang ang ika-47 taong World Communications Day noong Linggo, Mayo 12 na may temang “Social Networks: portals of truth and faith; new spaces for evangelization."

Ito ay ipinagkaloob sa  Agatha Hotel na matatagpuan sa Barangay Sta. Rita sa bayang ito kung saan isinagawa ang pulongng ng CSC.

Ayonkay Father Dario Cabral, direktor ng CSC, ang parangal ay isangmaliit na pagkilala sa kontribusyon ng mga mamamahayag sa paghahatid ng balita hinggil sa matagumpay na pagdiriwang ng Jubileo.

“It’s our way of appreciation for the hard works you have done,” ani Cabral.

Binigyang diin din niya na dedekasyong ipinakita ng mga tumanggapng parangal na nagsilbi ring inspirasyon sa CSC.

Kaugnay nito, inihayag ni Cabral ang plano ng CSC na magtayo ng himpilan ng radyo namagsasahimpapawid sa internet bilang bahagi ng pagsasagawa ng bagong ebanghelisasyon na itinatakda ng resulta ng ikalawang sinodo ng Diyosesis.

Sinabi pa niya na may mas makakatipid ang diyosesis kung isang internet radio ang itatayo sa halip na isang regular na himpilan ng radyo.

Bukod rito,plano ring CSC na maglathalang mga aklat,magazine at pagbuong mga documentary na maaaring ipalabas sa mga telebisyon.(Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment