MALOLOS—Tampok ang ibat-ibang gawain na sa isang linggong
pagdiriwang ng ika-108 taong pagkakatatag ng Bulacan State
University (BulSU) na nagsimula
sa Lunes, Disyembre 3.
Ito ay may temang “Pagpapalaganap ng Galing at Karunungan.”
Ayon kay Dr. Antonio Del Rosario, vice-president for
academic affairs, tagapangulo ng executive committee para sa pagdiriwang,
kabilang sa mga tampok na gawain ay ang paglulunsad ng libro, pagpapasinaya sa
bagong pasilidad, mga talakayan, at mga tunggaliang pang kalinangan at
pampalakasan.
“It will be an austere celebration but it will mirror
accomplishments the university has achieved in past 108 years,” ani Del
Rosario.
Inayunan din ito ni
Dr. Danilo Hilario, ang Vice President for
planning, research and external affairs.
Sinabi niya na sa pamamagitan ng Bahay Saliksikan ng Bulacan
na nakabase sa BulSU, inilunsad ang isang libro hinggil sa mga katutubong
Dumagat.
Ito ay may pamagat na “Mahabe Pagotan: Kasaysayan, Kalinangan at Lipunan ng mga Dumagat sa bahaging Bulacan ng
Sierra Madre” at sinulat ng misyonerong si
Bro. Martin
Francisco ng Sagip Sierra Madre Environmental Society.
Bukod
dito, sinabi ni Hilario na pasisinayaan ang regional laboratory ng Hitachi
Corporation Philippines sa loob ng
bakuran ng BulSU.
Ang BulSU an gang itinuturing may pinakamalaking pamantasan
sa Gitnang Luzon kung ang bilang ng mag-aaral
ang pagbabatayan.
Sa kasalukuyang, may
32,000 mag-aaral sa BulSU na may pangunahing campus sa lungsod na ito bukod pa
sa mga satellite campus sa mga Lungsod ng San Jose Del Monte at mga bayan ng
Bustos, Bulakan at Hagonoy.
Ang BulSU ay nagsimula noong 1904 sa bisa ng Act 174 ng
Philippine Commission noong 1901 na nag-atas ng pagtatayo ng mga paaralan sa
mga pangunahing bayan sa bansa noon at kilalamin ang mga nakatatag ng mga
paaralan.
Bilang isang intermediate school, naging Bulacan Trade
School noong 1909 ang BulSU kung saan ang mga guro ay kabilang sa grupo ng mga
Amerikanong guro na tinawag na Thomasites.
Di nagtagal ay napalitan ng mga Pilipino ang namumuno sa
noo’y BTS at noong 1920s, ang mga intermediate course ay pinalitan ng mga
secondary courses.
Ayon kay Hilario,sa pagdaan ng panahon umunlad ang mga kurso
sa BTS hanggang magdagdaga ng mga vocational courses.
Ito ay higit pang
umunlad matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Sa pamamagitan ng mga lehislasyon, ang BTS ay naging Bulacan
National Trade School (BNTS) noong 1953, Bulacan National School of Arts and
Trades (BNSAT) noong 1957, at Bulacan School of Arts and Trades (BSAT) noong
1960.
Ito ay nasundan ng pagsismula ng pagtuturo ng dalawang taong
kurso para sa automotive, at machine shop.
Noong 1965, ang BSAT at naging kolehiyo at tinawag na
Bulacan College of Arts and Trades (BCAT).
Ito ay nagbigay daan sa pagpapalawak ng mga kurso at pagsisimula ng apat
na taong kurso tulad ng Bachelor of Science in Industrial Education.
Hindi nagtagal, sinimulan ang mga kurso para sa mga
inhinyero, guro at maging mga masteral courses sa ilalim ng Graduate education
programs.
Noong 1993, sa bisa ang Republic Act 7665, ang BCAT ay
naging isang pamantasan at tinawag na Bulacan State University (BULSU). (Dino Balabo)