LUNGSOD
NG MALOLOS, Bulacan -- Target ng pamahalaang panlalawigan at
Department of Education (DepEd) ang zero backlog sa mga classroom pagsapit ng
Hunyo ngayong taon sa pamamagitan ng pagtatayo ng 1,942 silid-aralan sa mga
pampublikong paaralan sa Bulacan.
Mismong
si Education Secretary Armin Luistro ang nag-anunsyo na ginugugol na ngayon ang
halagang P800 milyong pondo para sa pagtatayo ng may 971 na mga silid-aralan sa
lalawigan.
Ang
nasabing bilang ay nagsisilbing counterpart ng pamahalaang nasyonal sa 50-50
Classroom Fund Sharing Scheme.
Sa
sistemang ito, may hiwalay na P800 milyon ding inilaan ang kapitolyo para sa
kapupunan ng mga silid-aralan na itatayo mula ngayong Enero 2012 hanggang
ngayong Abril 2013.
Ayon
kay Luistro, target ng administrasyong Aquino na tuldukan na ang kakulangan ng
mga silid-aralan sa buong Pilipinas.
Sa
puntong ito, ang Bulacan ay unang lalawigan sa bansa na pinagbabaan ng 50-50
Classroom Fund Sharing Scheme dahil nakapaghanda kaagad ang pamahalaang
panlalawigan ng counterpart fund nito upang mabuo ang P1.6 bilyong pondo na
kailangan upang makapagtayo ng inimbentaryong kakulangan sa mga silid-aralan. Shane
Frias Velasco, PIA 3
No comments:
Post a Comment