Jasmin Lorraine Tan (gitna) |
MALOLOS—Balingkinitan,
may mahiyaing ngiti, ngunit mababakas ang tatag ng loob.
Ito
ang larawan ng babaeng gumulat sa Bulacan State University (BulSU) nang
pamunuan niya ang delegasyon ng Pacesetter na mabawi ang kampeonato sa 13th
Regional Higher Education Press Conference.
Matapos
ang tatlong taong sunod-sunod na pagkabigong mabawin ang korona mula Bataan
Peninsula State University sa RHEPC, isang malaking pagsubok ang hinarap ni
Jasmin Lorraine Tan nang tanggapin niya ang pinakamalaking responsibilidad na
maging Punong Patnugot ng Pacesetter, ang opisyal na pahayagan ng Bulacan State
University.
Pero
pinatunayan n'ya sa lahat na kaya n'yang ibalik ang korona sa BulSU nang
tanghaling Over-all Champion sa 13th RHEPC ang Pacesetter sa paligsahan ngayong
taon.
Ngunit
hindi lang simpleng tagumpay ang kan’yang naabot, naging maugong din ang kanyang
pangalan nang bukod sa kampeonato ay nakamit din niya ang parangal na
Individual Highest Pointer ng nasabing kompetisyon nang angkinin n’ya ang
tatlong unang parangal sa mga laban na kan’yang sinalihan; Sports Writing,
Developmental Communications Writing at Opinion Writing.
Sa
kabila ng lahat ng parangal at papuri ay ang katotohanan na hindi minina ang
mga ginto mula sa kawalan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, malubak na daan ang
tinahak ng nasabing dalaga bago pa man niya maabot ang nasabing estado.
Lumaki
sa di-mabilang na mga pagkabigo sa mga laban si Jasmin Lorraine Tan.
Ang
totoo, hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya makapaniwala na napagtagumpayan
n’ya ang nasabing hamon.
“Tatlong
beses akong nag-try sumali sa school publication namin no’ng high school, pero
hindi ako natanggap,” pag-aalala nito sa nakaraan na tinuturing n’yang
pinakamalaki niyang pagkabigo.
Inamin
din niya sa napakaraming mga patimpalak na sinalihan niya noon ay lagi siyang
talo.
Maging sa 12th RHEPC ay
umuwi siyang luhaan nang matalo sa Poetry Writing at makuntento sa 9th Place sa
Sports Writing.
Pero
hindi niya itinuring na dahilan para sumuko ang mga pangyayari sa nakaraan. Sa
halip, itinuring nya itong dahilan para mas pagbutihan pa.
“Biggest
motivation ng tao ang failure from the past,” sabi ni Tan.
Nang
magkaroon ng inspirasyon mula sa isang guro no’ng high school, pinili n’yang
kunin ang kursong Journalism at sumali sa Pacesetter ng BulSU.
“Sabi
ko talaga noon sa sarili ko, ‘di pwedeng hindi ako kasali [Pacesetter],” aniya.
Doon
din niya nadiskubre ang kanyang talent sa Sports Writing at di maglaon ay
nakahiligan na n’yang isulat ang mga ito.
“Masarap
kasi isulat ang sports, maaksyon, pwede mong paglaruan ‘yung istorya,” wika pa
ni Tan.
Nagsimula
ng unti-unti niyang pagbangon hanggang sa maging Editor-in-Chief ng nasabing
publikasyon.
Ngunit
ang paqgbangong ito ay nasangkapan ng di mabilang na mga pagsubok.
“Nabansagang
weakest batch ang editorial board namin, ang daming tawag sa atin, tapos parang
ang daming fall back, tapos ang daming failures. Tapos nung nag-champion,
parang, ito na 'yon e, ito na yung lahat ng hindi natin itinulog, lahat ng
panahon na hindi tayo umuwi, lahat ng panahon na kailangan mong isacrifice yung
acads [academics] mo,“ pag-amin ni Tan.
Pero
itinuturing niyang malaking tulong ang mga tao sa paligid niya upang mapagwagian
ang mga nasabing problema.
Sa
paggabay ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, kaklase, at mga guro, isa na siya
ngayong inspirasyon hindi lang para sa mga kapwa Journalism-majors ngunit para
sa lahat ng mga nakaranas din ng mga pagkatalo sa buhay.
“Super
galing naman talaga ni Jasmin, ayaw lang niyang maniwala sa sarili niya. Kayang
kaya naman niyang maging on top pero grounded pa rin siya. Saka super proud
kami sa kanya di lang dahil sa nanalo siya sa RHEPC, kasi napakabait niyan. Mas
inuuna pa niya yung iba kesa sa kasiyahan niya kaya deserve niya talaga lahat
nga nakukuha niya," sabi ni Jesson Lagman, Associate Editor ng Pacesetter.
“Dati,
sobrang iyakin ako, pero ngayon, iyakin na lang ako,” natatawa ang wika ni Tan
sa isang panayam.
Dagdag
pa niya, “pero mas stronger na ako ngayon, masasabi kong mas matatag na ako.”
Sa
ngayon, patuloy pa rin n’yang ginagampanan ang tungkulin bilang punong patnugot
ng Pacesetter, kasabay ng pagbuno niya sa kaniyang thesis, at pagiging
Associate Producer ng isa sa mga pelikula sa Sine Bulacan, isang patimpalak sa
College of Arts and Letters ng BulSU.
At
bilang isang inspirasyon, nag-iwan si Tan ng mensahe sa mga susunod na
henerasyon ng mga estudyante sa BulSU.
“’Wag
kang mag-stay sa course mo kung hindi mo talaga gusto. Kasi ako, gusto ko
talaga magsulat, mag-cover, mag-interview, kaya kahit mahirap nakakaya ko kasi
gusto ko,” aniya.
Sa
kanyang nalalapit na pagtatapos sa unibersidad, napakalaki ng pangarap n’ya
hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya. Maging writer sa isang sports
magazine o isang broadsheet ang kaniyang plano sa mga susunod na panahon.
“Five
years from now, hindi na ko aasa sa family ko. Hopefully, makabawi sa lahat ng
binigay sa akin ng family ko.” pagtatapos ni Tan. Clarisse Inao
(Si Clarisse Inao ay isang mag-aaral na kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kursong
Bachelor of Arts inJournalism sa Bulacan State University. Isa rin siyang
kasapi ng Pacesetter).
No comments:
Post a Comment